Rider, patay sa kidlat
@Balitang Probinsiya | December 2, 2023
ILOILO -- Isang rider ang namatay at dalawang angkas nito ang sugatan nang tamaan sila ng kidlat kamakalawa sa Brgy. Cabunlawan, Lambunao sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Charlie Latoza, samantalang ang mga sugatan ay sina Joemar Linghon at isang nagngangalang Jerelyn, pawang nasa hustong edad at mga nakatira sa naturang lalawigan.
Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Latoza ang kanyang motorsiklo at nakaangkas sina Joemar at Jerelyn ay biglang bumuhos ang ulan kung kaya’t inihinto ng rider ang motorsiklo at sumilong sa kubo, pero biglang kumidlat at tinamaan ang mga biktima.
Dahil sa lakas ng boltahe ng kidlat na tumama sa mga biktima ay nabatid na nagkaroon sila ng 3rd degree burns sa katawan.
Agad dinala ng mga residente ang mga biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Latoza.



Comments