top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Rider patay sa banggaan ng 2 motorsiklo

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 21, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 21, 2023


PALAWAN—Isang rider ang namatay at dalawa katao pa ang sugatan nang aksidenteng magkabanggaan ang dalawang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Napsan, Puerto Princesa City sa lalawigang ito.


Ang nasawi ay si Jomar Dalita, 35, samantalang ang mga sugatan ay ang magkaangkas sa isang motorsiklo na sina Mateo Valdestamon, 29, at Louie Omampas, 18, pawang nakatira sa nabanggit na lungsod.


Ayon sa ulat, kapwa umano mabilis ang takbo ng motorsiklong minamaneho ni Dalita at motorsiklong minamaneho ni Valdestamon, habang kaangkas si Omampas kaya aksidenteng nagkabanggaan ang dalawang sasakyan.


Napag-alaman na nagtamo ng sugat sa ulo at katawan ang mga biktima at nang dalhin sila ng mga saksi sa ospital ay idineklarang dead-on-arrival si Dalita.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya para mabatid kung sino ang may pananagutan sa naganap na aksidente.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page