top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Rider, patay sa bangga ng trak

BULGAR
Jul 5, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 5, 2022


CAMARINES SUR—Isang rider ang namatay nang aksidenteng mabangga ng trak ang minamaneho niyang motorsiklo kamakalawa sa national highway ng bayan ng Ragay.


Kinilala ang biktima na si Lee Llever, 29-anyos at residente ng Bgy. Punta, San Vicente, Samar.


Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ng trak si Arnold Bandoja kaya nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ng biktima.


Napag-alamang dahil sa lakas ng pagkakabangga ng trak sa motorsiklo ay nagkaroon ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima.


Dinala pa ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara dead-on-arrival itong dead-on-arrival, samantalang kusa namang sumuko sa pulisya si Bandoja.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page