top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Rider patay, pasahero sugatan sa aksidente

BULGAR
Dec 22, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 22, 2022


RIZAL—Isang rider ang namatay at isang pasahero ng jeep ang sugatan sa naganap na aksidente kamakalawa sa Bgy. Maybancal, Morong.


Kinilala ang nasawi na si Ken Panganiban, samantalang ang sugatan ay si Jamee Ledda, kapwa nasa hustong gulang at kapwa residente sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng jeep na minamaneho ni Roggy Custodio, nasa hustong gulang, kaya nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ni Panganiban.


Sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan si Panganiban, gayundin ang pasahero ni Custodio sa jeep na si Ledda.


Dinala ng mga saksi ang dalawang biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Panganiban, samantalang sinampahan na ng pulisya si Custodio ng kasong reckless imprudence resulting to homicide, physical injury and damage to property.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page