top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Rider patay, angkas sugatan sa semplang

BULGAR
Nov 5, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 5, 2022


CAVITE—Isang rider ang namatay at sugatan naman ang angkas nito nang aksidenteng sumemplang ang kinalululanan nilang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Tejero, General Trias.


Ang nasawi ay si Junry Escototo at ang sugatan naman ay ang angkas nito na si Jerico Rebola, kapwa nasa hustong gulang at parehong nakatira sa naturang bayan.


Batay sa imbestigasyon, nawalan umano ng kontrol si Escototo sa pagmamaneho kaya sumemplang ang sinasakyan nilang motorsiklo.


Ayon sa ulat, nagkaroon ng malaking sugat sa ulo at katawan ang mga biktima.


Kaagad dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero idineklara dead-on-arrival si Escototo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page