top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Rider patay, angkas sugatan sa puno

  • BULGAR
  • Dec 4, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | December 4, 2022


NORTH COTABATO—Isang rider ang namatay at sugatan ang angkas nito nang aksidenteng bumangga kamakalawa ang kinalululanan nilang motorsiklo sa puno sa Bgy. Gubatan, Magpet.


Ang nasawi ay si Auri Sebonga, samantalang ang sugatan ay ang angkas nito na nakilala lang sa palayaw na “Totong”, kapwa nasa hustong gulang at parehong residente sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol si Sebonga sa pagmamaneho ng motorsiklo, kaya bumangga ito sa pader.


Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima.


Dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Sebonga.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page