top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Rider patay, 5 sugatan sa aksidente

Writer: BULGAR
BULGAR
May 24, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 24, 2023


NEGROS OCCIDENTAL—Patay ang isang rider at limang katao pa ang nasa kritikal na kalagayan nang aksidenteng magkabanggaan ang isang motorsiklo at isang tricycle kamakalawa sa Brgy. Enclaro, Binalbagan sa lalawigang ito.


Ang nasawi ay nakilalang si Kent Luhan, 21-anyos, samantalang inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng lima pang biktima na lulan ng isang tricycle.


Ayon sa ulat, mabilis ang takbo ng motorsiklong minamaneho ni Luhan at tricycle na kinalululanan ng lima pang biktima kaya aksidenteng nagkabanggaan ang dalawang sasakyan sa nabanggit na barangay.


Dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Luhan dulot ng tinamong malaking pinsala sa ulo sa naganap na aksidente.


Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naganap na aksidente.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page