top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Rider niratrat, todas

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 13, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 13, 2023


ILOILO -- Isang rider ang namatay nang pagbabarilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. North Fundidor, Molo District, Iloilo City sa lalawigang ito.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Alejandro Panes, nasa hustong gulang at nakatira sa naturang lalawigan.


Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Panes ang kanyang motorsiklo ay biglang sumulpot ang dalawang hindi kilalang salarin na sakay din sa motor at agad pinagbabaril ang biktima.


Mabilis na tumakas ang mga suspek nang matiyak na patay na ang biktima.


Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang kay Panes.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page