top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Rider, nilikida ng riding-in-tandem

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 17, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 17, 2023


CAPIZ -- Isang rider ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Brgy. Punta Tabuc, Roxas City sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Jeff Ardena, nasa hustong gulang at nakatira sa naturang lungsod.


Ayon sa ulat, lulan ng kanyang motorsiklo si Ardena nang dikitan ng mga suspek na nakasakay din sa isang motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.


Matapos tiyaking patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page