top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Rider, nilikida ng riding-in-tandem

Writer: BULGAR
BULGAR
May 7, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 7, 2023


CAMARINES SUR—Isang rider ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem, kamakalawa sa Bgy. San Francisco, Baao sa lalawigang ito.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Wilmor Nanale, nasa hustong gulang at nakatira sa naturang lalawigan.


Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Nanale ang kanyang motorsiklo ay biglang sumulpot ang dalawang hindi kilalang salarin na nakasakay din sa isang motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.


Mabilis na tumakas ang mga suspek nang matiyak na patay na ang biktima.


Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang kay Nanale.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page