top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Rider, nilikida ng riding-in-tandem

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 19, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 19, 2021


ILOCOS SUR—Patay ang rider nang barilin ng dalawang hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa Bgy. Resurrection, San Juan.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Elmer Amin, 39-anyos at nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, lulan umano si Amin ng kanyang motorsiklo nang dikitan ng mga suspek na nakasakay din sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.


Matapos tiyaking patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na krimen.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page