Rider, natodas sa trak

@Balitang Probinsiya | January 12, 2021
ILOCOS SUR—Isang rider ang namatay nang aksidenteng mabangga ng trak kamakalawa sa Bgy. Babarit, Magsingal.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Natanhiel Abo, residente sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, lulan ng kanyang motorsiklo si Abo nang aksidenteng mabangga ito ng trak na minamaneho ni Reymar Qienes.
Napag-alamang dahil sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ang biktima at nabagok ang ulo sa kalsada na agad nitong ikinamatay.
Kusa namang sumuko sa pulisya si Qienes na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property.



Comments