Rider, natagpuang patay sa irigasyon
@Balitang Probinsiya | April 24, 2023
AKLAN—Isang rider ang natagpuang patay, kamakalawa sa irigasyon ng Bgy. Linabuan Norte, Kalibo sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Dario Natabio, nasa hustong gulang at residente sa nasabing lalawigan.
Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima na nakalutang sa tubig ng irigasyon.
Huli umanong nakitang buhay si Natabio habang nagmamaneho ng kanyang motorsiklo sa nabanggit na barangay.
Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, lumabas na naaksidente si Natabio habang nagmamaneho ng motorsiklo at nahulog ito sa irigasyon na naging sanhi ng pagkamatay ng biktima.



Comments