Rider, natagpuang patay
@Balitang Probinsiya | October 04, 2023
NEGROS OCCIDENTAL -- Isang hindi kilalang rider ang natagpuang patay kamakalawa sa tabi ng kanyang motorsiklo sa gilid ng kalsada sa Bgy. Napoles, Bago City sa lalawigang ito.
Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima.
Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima sa gilid ng kalsada sa nabanggit na lugar.
Sa ginawang pagsisiyasat ng pulisya ay napag-alaman na may apat na tama ng bala sa katawan ang biktima.
Sa ngayon, nag-iimbestiga pa ang pulisya para mabatid ang motibo ng mga salarin sa pamamaslang sa biktima.



Comments