Rider nalunod sa tubig-baha
@Balitang Probinsiya | Enero 24, 2023
CAMARINES SUR—Patay ang rider nang malunod sa tubig-baha kamakalawa sa Naga City.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Benito Noren, 50-anyos at residente ng Canaman sa nasabing lalawigan.
Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima sa bayan ng Bombon sa naturang lalawigan.
Huli umanong nakitang buhay si Noaren na tinangay ng rumaragasang tubig-baha habang lulan ng kanyang motorsiklo sa Naga City hanggang sa matagpuan ang bangkay nito sa bayan ng Bombon.
Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, pagkalunod sa tubig-baha ang ikinamatay ng biktima.



Comments