Rider, nadale ng steel barrier
- BULGAR
- Jun 19, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | June 19, 2023
PALAWAN -- Isang rider ang nasa kritikal na kondisyon nang bumangga ang minamaneho niyang motorsiklo sa steel barrier kamakalawa sa Bgy. Antipuluan, Narra sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Fredderick Cabanillas, 38, nakatira sa Bgy. Apo-aporawan, Aborlan sa nabanggit na lalawigan.
Ayon sa ulat, nawalan ng kontrol sa pagmamaneho ng motorsiklo si Cabanillas kaya bumangga ito sa steel barrier.
Nabatid na sa lakas ng impact ay nagkasugat ang biktima sa ulo at naputol ang kaliwang paa at kaliwang kamay nito.
Patuloy na inoobserbahan sa pagamutan si Cabanillas.



Comments