top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Rider, nadale ng kotse ng lola

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 2, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | November 2, 2023


AKLAN -- Isang rider ang sugatan nang mabangga ng isang kotse na minamaneho ng isang 62-anyos na lola kamakalawa sa Brgy. Poblacion, Kalibo sa lalawigang ito.


Hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang lolang driver matapos na makipagkasundo ito sa biktimang rider na sasagutin niya ang lahat ng gastos at danyos sa aksidente.


Ayon sa ulat, mabilis ang takbo ng kotseng minamaneho ng lola kaya nabangga nito ang kinalululanang motorsiklo ng biktima.


Sa lakas ng impact ay nagkaroon ng pinsala sa ulo at katawan ang biktimang rider.


Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital at patuloy pang ginagamot.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page