Rider, nabangga ng van
- BULGAR

- Jan 23, 2021
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | January 23, 2021
AKLAN—Isang rider ang sugatan nang aksidenteng mabangga ng van ang minamaneho niyang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Pagsanghan, Banga.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si John Niño Napay, 23-anyos at nakatira sa Bgy. Ugsod sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, mabilis ang takbo ng van na minamaneho ni Fernan Edao kaya aksidente nitong nabangga ang motorsiklong kinalululanan ni Napay sa nasabing barangay.
Napag-alamang nagtamo ng mga sugat sa ulo at katawan si Napay at kasalukuyan na itong ginagamot sa ospital.
Nakapiit na si Edao na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to physical injury at damage to property.



Comments