Rider na umiwas sa aso, tepok
@Balitang Probinsiya | November 11, 2021
AKLAN—Patay ang 49-anyos na rider nang aksidenteng sumemplang ang minamaneho niyang motorsiklo matapos na iwasan ang isang aso kamakalawa sa Bgy. New Buswang, Kalibo.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Dennis Pagayon, nakatira sa nasabing bayan.
Batay sa imbestigasyon, nawalan umano ng kontrol si Pagayon sa pagmamaneho ng motorisklo nang iwasan ang aso na tumawid sa kalsada kaya sumemplang ang biktima.
Nabatid na nagkaroon ng malaking pinsala sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan ang biktima.
Kaagad dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments