Rider na senglot inaresto
@Balitang Probinsiya | December 24, 2022
SORSOGON—Isang lasing na rider ang inaresto ng pulisya dahil nagmamaneho ng motorsiklo habang nasa impluwensya ng alak kamakalawa sa Bgy. Somal-ot, Casiguran.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Zaldy Haboc, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, habang nagpapatrulya ang mga awtoridad ay nakita nila si Haboc na nagmamaneho ng motorsiklong pagewang-gewang ang takbo habang nakaangas dito ang dalawa pang lasing na kaibigan ng suspek.
Dahil dito, sinita ng mga awtoridad si Haboc at inaresto, samantalang pinauwi naman ang dalawang lasing din na mga kaibigan ng suspek.
Nahaharap si Haboc sa kasong driving under the influence of liquor.



Comments