top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Rider na lolo tepok sa kotse

BULGAR
Jan 3, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Enero 3, 2023


AKLAN—Patay ang rider na lolo nang aksidenteng mabangga ng kotse ang minameho nitong motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Laguinbanua West, Numancia.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Marcelo Pelingon, 69-anyos at nakatira sa Bgy. Tamalagon, Tangalan.


Ayon sa ulat, nawalan ng kontrol sa pagmamaneho ng kotse si Rodolfo Laurente, kaya nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ng biktima.


Nabatid na nagtamo ng mga pinsala sa ulo at katawan ang biktima.


Dinala ng mga saksi ang biktima sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang sinampahan na si Laurente ng kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page