top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Rider na lolo, patay sa bus

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 26, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 26, 2023

NEGROS OCCIDENTAL -- Isang rider na lolo ang namatay nang mabangga ng isang pampasaherong bus ang minamaneho nitong motorsiklo kamakalawa sa Brgy. Luna, Cadiz City sa lalawigang ito.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Carlos Bilbar, 75, at nakatira sa Brgy. Bonifacio sa nabanggit na lungsod.


Hindi na pinangalanan ng pulisya ang pangalan ng driver ng bus matapos mangako ang bus company na sasagutin ang gastos at danyos sa pagkamatay ng biktima.


Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol ang driver sa pagmamaneho ng bus kaya nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ni Bilbar.


Nabatid na sa lakas ng impact ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima na agad nitong ikinamatay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page