Search
  • BULGAR

Rider na lolo, nilikida ng riding-in-tandem

@Balitang Probinsiya | March 2, 2021



CAGAYAN—Isang rider na lolo ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa national highway ng Bgy. Barancuag, Tuao.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay kinilala ng pulisya na si Nestor Daracan, 62-anyos, residente sa naturang lalawigan.


Ayon sa ulat, habang lulan ng kanyang motorsiklo si Daracan ay dinikitan ito ng dalawang hindi kilalang lalaki na nakasakay din sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.


Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril sa biktima.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya para mabatid ang motibo sa naganap na krimen.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.