Rider na lasing, sumemplang
- BULGAR
- Aug 18, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 18, 2023
AKLAN -- Isang rider na lasing ang nasa kritikal na kondisyon nang sumemplang ang minamaneho niyang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Tugbungan, Kalibo sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Justin dela Vega, 19, residente ng Bgy. Lalab, Batan sa naturang lalawigan.
Ayon sa ulat, dahil sa labis na kalasingan ay nawalan ng kontrol sa pagmamaneho ng motorsiklo si Dela Vega kaya sumemplang ito sa sementadong kalsada.
Nabatid na nagkasugat sa ulo, kamay at katawan ang biktima.
Patuloy pa ring inoobserbahan sa pagamutan si Dela Vega.



Comments