Rider na guro sugatan sa semplang
@Balitang Probinsiya | March 8, 2023
PALAWAN—Isang rider na guro ang sugatan nang aksidenteng sumemplang ang kinalululanan niyang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. San Nicolas, Roxas sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Antonio Pagul, residente sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol si Pagul sa pagmamaneho ng motorsiklo kaya sumemplang ito.
Nabatid na nagtamo ng mga sugat sa ulo at katawan ang biktima sa naganap na aksidente.
Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital at kasalukuyan pa siyang inoobserbahan sa pagamutan.



Comments