top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Rider na drug dealer, arestado

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 18, 2024
1 min read

@Balitang Probinsiya | ngayong Marso 18, 2024


ZAMBOANGA CITY -- Isang rider na drug dealer ang naaresto sa drug-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Guadalupe Drive, Brgy. Tetuan sa lungsod na ito.

 

Nakilala ang suspek na si Ernest Yting, nasa hustong gulang, residente ng nabanggit na lungsod. 

 

Napag-alaman na lulan ng kanyang motorsiklo si Yting nang sitahin ito ng mga otoridad at nang tingnan ang dala niyang bagahe ay dito natuklasan na isang kilong pinatuyong dahon ng marijuana ang laman nito. 

 

Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga operatiba. 

 

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page