Rider, kritikal sa van
@Balitang Probinsiya | July 23, 2023
AKLAN—Isang rider ang nasa kritikal na kalagayan nang aksidenteng mabangga ng isang van kamakalawa sa national highway ng Bgy. Poblacion, Numancia sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilalang si Jaypee Palmon, 38, nakatira sa bayan ng Kalibo sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ang hindi pinangalanang driver ng van kaya nabangga nito ang minamanehong motorsiklo ni Palmon.
Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima.
Dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital at kasalukuyan pa itong inoobserbahan, samantalang kusa namang sumuko sa pulisya ang driver ng van at nangako na sasagutin ang gastos sa ospital at danyos sa biktima.



Comments