top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Rider, kritikal sa SUV

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 30, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 30, 2023


AKLAN -- Isang hindi kilalang rider ang nasa kritikal na kondisyon nang mabangga ng isang SUV (Sports Utility Vehicle) ang kinalululanan nitong motorsiklo kamakalawa sa Osmeña Avenue, Kalibo sa lalawigang ito.


Sa ngayon ay inaalam na ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima.


Ayon sa ulat, mabilis ang takbo ng SUV na minamaneho ng isang babaeng driver kaya nabangga nito ang motorsiklo ng biktima.


Nabatid na nagkaroon ng sugat sa braso at katawan ang biktima at sa ngayon ay ginagamot na ito sa ospital.


Hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang driver ng SUV matapos na mangako itong sasagutin ang gastos at danyos sa biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page