Rider, kritikal sa semplang
@Balitang Probinsiya | November 15, 2021
AKLAN--Isang hindi kilalang rider ang kritikal ang kondisyon nang aksidenteng sumemplang ang minamaneho niyang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Mabilo, Kalibo.
Sa ngayon ay inaalam na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima.
Batay sa imbestigasyon, nawalan umano ng kontrol ang biktima sa pagmamaneho ng motorisklo kaya sumemplang ito sa nabanggit na barangay.
Nabatid na nagkaroon ng malaking pinsala sa ulo at iba't ibang parte ng katawan ang biktima.
Kaagad dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital at kasalukuyan pa itong inoobserbahan sa pagamutan.



Comments