Rider, dedo sa semplang
- BULGAR
- Jul 18, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | July 18, 2023
AKLAN -- Isang rider ang namatay at sugatan ang backrider nito nang sumemplang ang kinalululanan nilang motorisiklo kamakalawa sa Bgy. Laguinbanua East, Numancia sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ng pulisya ang mga biktima hangga’t hindi naipaparating sa kanilang pamilya ang sinapit ng rider at backrider.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ang rider habang kaangkas ang kanyang kaibigan kaya sumemplang ang kanilang motor.
Napag-alaman na nagtamo ng malaking pinsala sa ulo ang dalawang biktima sa nangyaring aksidente.
Nabatid na dinala ng mga residente ang mga biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival ang rider.



Comments