Rider dedo, backrider sugatan sa bus

@Balitang Probinsiya | February 18, 2021
CAGAYAN—Isang 16-anyos na rider ang namatay at sugatan naman ang backrider nito nang aksidenteng mabangga ng pampasaherong bus ang kinalululanan nilang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Bitalag, Bacnotan.
Hindi na pinangalanan ang nasawi dahil menor-de-edad pa ito, samantalang ang sugatang backrider ay si Archimedes Oredina, kapwa nakatira sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, mabilis ang takbo ng bus na minamaneho ni Dennis Virrey kaya nabangga ang kasalubong na motorsiklong kinalululanan ng mga biktima.
Sinampahan na ng pulisya si Virrey ng kasong reckless imprudence resulting to homicide, physical injury and damage to property.



Comments