Rider dedo, backrider sugatan sa aksidente
@Balitang Probinsiya | January 10, 2021
Ilocos Sur—Isang rider ang namatay at sugatan naman ang backrider nang aksidenteng mabangga ng trak ang kinalululanan nilang motorsiklo kamakalawa sa Bonifacio, Cabugao.
Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Manolito Rubianes, samantalang ang sugatang angkas nito ay si Alejandro Altitche, kapwa nakatira sa Bgy. Salomague sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, iniwasan ni Rubianes ang lalaking tumatawid sa kalsada kaya nagawi ang motorsiklo nito sa kabilang linya ng kalsada dahilan para mabangga sila ng trak na minamaneho ni John Millet, nakatira sa Bgy. Poblacion, Sablay, Benguet.
Sinampahan na ng pulisya si Millet ng kasong reckless imprudence resulting to homicide, physical injury and damage to property.



Comments