top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Rider dedo, angkas sugatan sa bomba

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 27, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | January 27, 2021



MAGUINDANAO—Isang rider ang namatay at sugatan naman ang angkas nito nang masabugan ng bomba kamakalawa sa Bgy. Romangaob, South Upi.


Kinilala ang nasawi na si Alberto delos Santos, samantalang kinikilala pa ang angkas nito na ginagamot pa sa ospital.


Ayon sa ulat, lulan ng motorsiklo ang dalawang biktima nang sa pagdaan nila sa nasabing lugar ay biglang sumabog ang nakatanim na IED (improvised explosive device).


Dinala ng mga residente ang dalawang biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Delos Santos.


Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para makilala ang mga responsable sa pagtatanim ng bomba sa naturang lugar.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page