top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Rider dedbol sa van

BULGAR
Jan 22, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Enero 22, 2023


CAVITE -- Isang rider ang namatay nang aksidenteng mabangga ng isang van ang minamaneho niyang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Malagasan, Imus City sa lalawigang ito.


Ang biktima ay nakilalang si Andre Reyes, 35, nakatira sa nasabing lungsod.


Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng van na minamaneho ni Marco Soriano, nasa hustong gulang kaya aksidenteng nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ni Reyes.


Napag-alaman na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima na agad nitong ikinamatay.


Sinampahan na ng pulisya si Soriano ng kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page