Rider dedbol sa trak
@Balitang Probinsiya | December 3, 2022
RIZAL—Patay ang rider nang aksidenteng mabangga ng trak ang minamaneho nitong motorsiklo kamakalawa sa Bgy. San Roque, Teresa.
Kinilala ang biktima na si Jude Galo, samantalang ang driver naman ng trak ay si Mecio Morales, kapwa nasa hustong gulang.
Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng trak na minameneho ni Morales, kaya nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ng biktima.
Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima.
Dinala ng mga saksi si Galo sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Nakapiit na si Morales na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property.



Comments