Rider, dedbol sa semplang
@Balitang Probinsiya | Ika-19 ng Pebrero, 2024
NEGROS OCCIDENTAL -- Isang rider ang namatay nang sumemplang ang kinalululanan nitong motorsiklo kamakalawa sa Brgy. 2, Himamaylan City sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si July Jaruyan, 37, residente ng nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Jaruyan ang kanyang motorsiklo ay nawalan ito ng kontrol kaya bigla itong sumemplang.
Napag-alaman na nagtamo ang biktima ng malaking pinsala sa ulo nang mabagok ito sa sementadong kalsada.
Agad dinala ng mga residente ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments