Rider dedbol sa semplang
@Balitang Probinsiya | Enero 5, 2023
PALAWAN—Patay ang 23-anyos na rider nang aksidenteng sumemplang ang minamaneho niyang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Riotuba, Bataraza.
Kinilala ang biktima na si Saimon Mensorong, residente ng naturang bayan.
Batay sa imbestigasyon, nawalan umano ng kontrol si Mensorong sa pagmamaneho ng motorsiklo, kaya sumemplang ang biktima.
Nabatid na nagkaroon ng malaking pinsala sa ulo at iba't ibang parte ng katawan ang biktima.
Kaagad dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments