Rider, dedbol sa semplang
@Balitang Probinsiya | November 1, 2021
QUEZON--Isang rider ang namatay nang aksidenteng sumemplang ang kinalululanan niyang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Hinguiwin, Padre Burgos.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Mark Rojas, nasa hustong gulang at residente sa nasabing lalawigan.
Batay sa imbestigasyon, nawalan umano ng kontrol si Rojas sa pagmamaneho ng motorisklo kaya sumemplang ito sa kalsada ng nasabing barangay.
Nabatid na nagkaroon ng malaking pinsala sa ulo at iba't ibang parte ng katawan ang biktima.
Kaagad dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments