top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Rider dedbol sa puno

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 11, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 11, 2023



RIZAL—Isang rider ang namatay nang aksidenteng bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa isang puno sa Bgy. Sta. Cruz, Antipolo City sa lalawigang ito.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Jemar Cabigquiz, 23, nakatira sa naturang lalawigan.


Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol si Cabigquiz sa pagmamaneho ng motorsiklo kaya bumangga ito sa puno.


Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima.


Dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page