Rider dedbol sa poste
@Balitang Probinsiya | Pebrero 18, 2023
AKLAN — Isang rider ang namatay nang aksidenteng bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo kamakalawa sa poste ng kuryente sa Bgy. Cabugao, Batan sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jeryl Nicolas, nasa hustong gulang, residente sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho si Nicolas kaya bumangga ang motorsiklong kinalululanan nito sa poste.
Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima.
Dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival sa pagamutan.



Comments