top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Rider, dedbol sa poste

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 8, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | January 08, 2022


CAPIZ–Patay ang rider nang aksidenteng bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo kamakalawa sa poste ng kuryente sa Bgy. Bato, Panay.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Charles Besana, 23-anyos at nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho si Besana kaya bumangga ang motorsiklong kinalululanan nito sa poste.


Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima.


Dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival sa pagamutan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page