Rider, dedbol sa pick-up
@Balitang Probinsiya | May 2, 2023
ANTIQUE—Isang rider ang namatay nang mabangga ng pick-up ang kinalululanan niyang motorsiklo, kamakalawa sa Bgy. Guintas, Hamtic sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Vicente Perfas, 54, residente ng Bgy. Asluman sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ng pick-up ang driver nito na si Glen Billiones kaya nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ng biktima.
Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima.
Dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival, samantalang kusa namang sumuko sa pulisya si Billiones.



Comments