top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Rider dedbol sa pick-up

BULGAR
Nov 19, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 19, 2022


AKLAN—Patay ang isang rider nang aksidenteng mabangga ng pick-up ang minamaneho niyang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Mambog, Banga.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Jonel dela Vega, 31-anyos, residente ng nasabing bayan.

Ayon sa ulat, mabilis ang takbo ng pick-up na minamaneho ni James Alfonso, kaya aksidenteng nabangga nito ang motorsiklong minamaneho ni Dela Vega.


Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima.


Dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang sinampahan na ng pulisya si Alfonso ng kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page