top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Rider, dedbol sa pick-up

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 28, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 28, 2020



CAPIZ—Isang rider ang namatay nang aksidenteng mabangga ng pick-up kamakalawa sa Bgy. Poblacion-Ilaya, Cuartero.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Alfonso Belonio, residente ng Bgy. Ongol, Dumarao sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, lulan ng kanyang motorsiklo si Belonio nang mabangga ito ng pick-up na minamaneho ng hindi pa nakikilalang driver.


Napag-alamang dahil sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ang biktima na agad nitong ikinamatay.


Inaalam na ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng driver ng pick-up para sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page