Rider, dedbol sa national highway
@Balitang Probinsiya | December 17, 2021
ALBAY—Isang 24-anyos na rider ang namatay nang aksidenteng sumemplang ang minamaneho niyang motorsiklo kamakalawa sa national highway ng Bgy. Anislag, Daraga.
Ang biktima ay nakilalang si David Madon, residente ng Bgy. Malobago sa nabanggit na bayan.
Batay sa imbestigasyon, nawalan umano ng kontrol ang biktima sa pagmamaneho ng motorsiklo kaya ito sumemplang.
Nabatid na nagkaroon ng malaking pinsala sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan ang biktima.
Kaagad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments