Rider, dedbol sa motorisklo

@Balitang Probinsiya | November 6, 2020
SOUTH COTABATO—Isang rider ang namatay nang aksidenteng makabanggaan ang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Colonggolo, Surallah.
Nakilala ang biktima na si Julius Peliped, nakatira sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng motorsiklong minamaneho ni Rene Pagulong kaya nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ng biktima.
Nabatid na sa lakas ng pagkabangga ay tumilapon si Peliped at una ulong bumagsak sa sementadong kalsada kaya namatay ang biktima.
Napag-alamang nasugatan din sa naganap na aksidente si Pagulong na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property.



Comments