Rider dedbol sa hit and run
@Balitang Probinsiya | Enero 13, 2023
QUEZON—Isang rider ang namatay nang ma-hit and run ng isang kotse kamakalawa sa Bgy. Calimpac, Guinayangan.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Edzel Genato, 24-anyos at residente ng Bgy. Sisi sa nabanggit na bayan.
Sa imbestigasyon ng pulisya ay napag-alamang aksidenteng nabangga ng kotse ang minamanehong motorsiklo ng Genato, pero imbes na huminto ay tumakas ang car driver.
Nabatid na ilang saksi ang nagdala sa biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival dahil sa malaking pinsala na tinamo nito sa ulo dulot ng aksidente.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang tumakas na driver ng kotse upang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide at obstruction of justice.



Comments