Rider dedbol sa bus
@Balitang Probinsiya | October 24, 2022
BATANGAS—Isang rider ang namatay nang aksidenteng mabangga ng pampasaherong bus ang minamaneho nitong motorsiklo kamakalawa sa Bgy. San Pioquinto, Malvar.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Roylan Requinto, nasa hustong gulang at nakatira sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol si Jose Agagad, nasa hustong gulang, sa pagmamaneho ng bus kaya nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ni Requinto.
Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima na agad nitong ikinamatay.
Nakapiit na si Requinto na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property.



Comments