Rider dedbol sa ambulansya
@Balitang Probinsiya | July 14, 2023
ALBAY -- Isang rider ang namatay at sugatan ang angkas nito nang mabangga ng isang ambulansya ang kinalululanan nilang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Quitago, Guinobatan sa lalawigang ito.
Ang nasawi ay si Edmar Princesa, 32, habang sugatan ang angkas na si Rico Alarcon, 42, kapwa residente ng Bgy. Batbat sa naturang bayan.
Ayon sa ulat, mabilis ang takbo ng ambulansya na minamaneho ni Willie Balasta, 51, kaya nabangga nito ang motorsiklo na sakay ang dalawang biktima.
Nabatid na nagtamo ng mga pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima.
Dinala ng mga saksi ang mga biktima sa pagamutan, pero idineklarang dead-on-arrival si Princesa, samantalang kusang sumuko naman sa pulisya ang driver ng ambulansya.



Comments