top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Rider dedbol, 4 sugatan sa aksidente

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 16, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | July 16, 2023


NEGROS OCCIDENTAL -- Isang rider ang namatay at apat katao pa ang sugatan nang magkabanggaan ang dalawang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Tinampaan, Cadiz City sa lalawigang ito.


Ang nasawing biktima ay si Rogelio Danao, habang ang mga sugatan ay sina Rolly Ramirez, John Paul Cabrera, Christian Cabrera at Jomar Deginion, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing lungsod.


Ayon sa ulat, kapwa umano mabilis ang takbo ng motorsiklong minamaneho ni Danao habang angkas ang kaibigang si Ramirez, at motorsiklong minamaneho naman ni Cabrera habang angkas sina Christian at Deginion nang magkabanggaan ang mga ito sa naturang lugar.


Napag-alaman na nagtamo ng sugat sa ulo at katawan ang mga biktima at nang dalhin sila ng mga saksi sa ospital ay idineklarang dead-on-arrival si Danao.


Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para mabatid kung sinong dapat managot sa nangyaring aksidente.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page